LAOAG "LEO" PARAS
Blk 4 Lot 10 Saphire St
Palmera Hills II E Subd.,
Taytay, Rizal
February 4, 2011
MR. LOUIE LOGARTA
Director
National Press Club
Fax: 528 1870
Attn to: Mr. Butch Quejada
Director, NPC
and
Mr. Jerry Yap
President, NPC
Dear Louie,
Bilang dating NPC member ay tinulungan mo ako, kasama mo si Butch Quejada, noong September 1986 para mailabas ng mabilis at maayos sa MIA, now NAIA, ang bangkay ng aking una galing Illinois, USA. Sa pamamagitan mo, P're, ay nais ko sana muling humingi ng tulong at suporta ng NPC.
Halos 9 na buwan na ngayon na ayaw umusad ang isinampa kong Falsification case laban sa pekeng Palmera II Homeowners' Assn., Inc. (PHAI) sa Rizal provincial Prosecution Office (RPPO), Hilltop, Taytay, Rizal in violation ofec. 4, Rule 112 of the Rules of Court.
Batay sa records ng case (I.S. # XV-18m-IVN-10e-01608 for articles 172(1) and 176 of the RPC), ay isinagawa ni invistigating prosecutor MAria Ronatay ang preliminary investigations nong May 27, July 6 atJuly 21, 2010.
Ang kasong ito ng pangongotong ay kinasasangkutan ng tripartite. Ang tripartite ay kinabibilangan ng Prime Water ni Sen. Manny Villar; Manila Water, Inc. ng mga Ayalas; at ang pekeng PHAI na suportado ni Taytay Mayor Joric Gacula sa kanilang MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA). Ang kopya ng MOA ay "lumubog" daw noong sumalanta ang super typhoon Ondoy pero puede naman itong isyuhan ng Court ng subpoena duces tecum para "lumutang".
Sa tingin ko, bilang nag-iisang eyewitness, ay matatag at prima facie case ang kaso porke depektibo ang counter-affidavit ng 25 respondents dahil hindi certified ng Administering Officer in violation of the Rules of Court, thereby making it wholly without effect.
Samantala, ang aking complint-affidavit ay suportado ng sworn and certified 62 cogent documentary evidence, bukod pa sa text messages na naka-save sa aking SIM card na magsasangkot sa Prime Water at Manila Water in violation of Rule 4.1(a),(b)&(c) of the Implementing rules and Regulations (IRR) of RA 9160 (AMLA) of 2001.
Ang modus-operandi ng MOA upang makapang-huthot without ending mula sa aming mga homeowner ang tripartite. Tinagurian itong "Right-of-Way Toll Fee" sa mga kinabitan ng gripong tubig ng Manila Water sa buong Palmera Hills II Subd., Taytay, Rizal. Merong 980 ang mga kabahayan (units) sa buong subdivision.
Dangan kasi, sadyang sa gitna ng kalsada na pag-aari daw ng Prime Water sa loob ng subdivision ibinaon ang mainpipes ng Mnila Water para ma-justify ang collection ng toll fee. Ang Manila Water din ang nagsisilbing collection agent ng tripartite porke ipinapating ang halaga ng toll fee as other charges sa resibo sa konsumo sa tubig. Mas madaling magsasagawa ng paper trail. Sa huling kwenta ay meron na silang nahuhot na P5 million, more or less, mula april last year.
Ramdam ko ang masidhi at lihim na pagkilos ng grupo ng tripartite mula pa noong september 2010. Nais nilang barasuhin ang Piskalya para iligwak at takpanang kanilang syndicated fraud. Lahat ng records ngayon ay nawawala. Mismong si Fiscal Ronatay ay nagka-amnesia nang personal na tanungin ko hinggil sa status ng case.
Huling nag-inquire ako sa RPPO Records Div noong Jan 27, 2011, araw ng Huebes. Iniabot sa akin ng clerk ang note scribbled in a piece of paper "RTS - MS Ronatay Sept. 2010." Of course, RTS means return-to-sender.
Gayun man, kumpleto ang hawak kong dokumento sa kasong ito na pawang orihinal.
Natatakot na ang pamilya ko sa nasuotan kong sigalot na ito. Huwag naman sanang mangyari, pero naniniwala silang dalawa lang ang aking kahahantungan kapag ipinursigi ko ang kasong ito; baka raw ako'y makukulong o kaya'y mamamatay sa "aksidente".
Sana sa pamamagitan mo, P're, ay maalalayan ako ng NPC para maiparating ang kasong ito kay DOJ Sec, Leila De Lima at umusad na ito ng walang aberya. Pwede mo akong makontak sa 0908 688 4773.
Maraming salamat at mabuhay ka.
Truly yours,
Leo